Panitikan ng bansang France

Isa sa mga malalayang bansa sa kanluran ng kontinente ng Europa ay ang France. Pangatlo ito sa pinakamalaking bansa sa Kanlurang Europe at European Union. Paris ang kapitolyo ng France na may pinakamalaking lungsod ng bansa at sentro ng kultura.Noong unang panahon, Rhineland ang naging katawagan sa bansang France.  Pagdating ng panahon ng Iron Age at Roman era ay tinawag naman ito bilang Gaul. Ang pangalang Pransiya ay hinango sa salitang Latin na Francia, na ang ibig sabihin ay "Lupain ng mga Prangko". Maraming mga teorya ang nagsasabi ng pinagmulan ng pangalan ng mga Prangko. Isa ang bansang France ang mayaman sa panitikan, katulad ng iba pang bansa sa Mediterranean. Ang mayamang panitikan ng bansa ang siyang nagsilbing kanlungan ng kanilang mga kaugalian tradisyon, at kultura sa kabuuan.Ang Pranses (Pranses: franΓ§ais; Ingles: French) ay isang wika na nagmula sa Pransiya. Noong 1999, ito ang wikang may ika-11 pinakamalaking bilang ng mga tagapagsalita sa buong daigdig.



Ang Paris ay kilala sa matataas na uri ng fashion houses. Ang mga mga mamamayan ng France ay kilala sa hindi matatawarang mariringal na pananamit. Sopistikado kung manamit, disente at sunod sa uso. Ngunit hindi sobra sa dekorasyon kung kaya't talaga namang kay gandang pagmasdan. Ang karaniwang damit nila ay mahahabang amerikana, terno, mga bandana at berets o bilog at malalambot na sombrero. At hindi makakalimutan na palaging may tinapay sa bawat oras ng pagkain, at karaniwan nang makakita ng crusty baguettes na iniuuwi sa bahay at alak sa lahat ng kasiyahan o pagtitipon. Ang keso ay mahalaga ring sangkap ng bawat pagkaing French.

Ilan sa kanilang mga pagkain ay ang boeuf bourguignon ito ay isang nilagang baka na kinulob sa red wine, beef broth at nilagyan ng bawang, sibuyas at kabute

coq au vin, ulam na may manok, alak na Burgundy, Jardons (maliliit na hiwa ng taba ng baboy), button mushrooms, sibuyas at maaari ring lagyan ng bawang.


Ipinagdiriwang naman ng mga taga-France ang mga tradisyunal na piyesta ng mga Kristiyano katulad ng Pasko at Mahal na Araw. Kasama din na inaalala nila ay ang "May Day" na kilala rin bilang Araw ng mga Manggagawa tuwing Mayo 1 at Araw ng Tagumpay sa Europa tuwing Mayo 8 bilang pag-alaala sa pagtatapos ng pakikipaglaban sa Europa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang Araw ng Bastille ay ipinagdiriwang tuwing Hulyo 14, ang araw kung kailan ang fortress ng Paris ay binagyo ng mga rebolosyunista upang masimulan na ang Rebolusyon sa France.


Kadalasan ay kinakabit ang kulturang Pranses sa Paris, na sentro ng moda, pagluluto, sining at arkitektura, subalit ang buhay sa labas ng Lungsod ng mga Ilaw ay ibang-iba at nagkakaiba sa bawat rehiyon. Magugunita na ang kultura ng France ay naimpluwensiyahan ng Celtic at Gallo-Roman Culture, gayundin ang Franks, isang tribong German.


Ang pangunahing relihiyon ng France ay ang Katoliko na tinatayang 80% ay nagsasabing sila ay mga Katoliko. Ang iba pang pangunahing relihiyon ay Islam, (karaniwang relihiyon ng mga dayuhan mula sa hilagang Africa), Protestante, at Judaism.


Ang Republikang Pranses, ay isang unitaryong semi-pampanguluhan na republika na may matibay na tradisyong demokratiko. Ang konstitusyon ng Ikalimang Republka ay inaprubahan ng isang reperendum noong 28 Setyembre 1958. Ang Pangulo ng Republika, na Pinuno ng Estado at direktang inihahalal ng mga mamamayan para sa limang-taong panunungkulan (dating pitong taon), at ang Pinuno ng Pamahalaan, na pinamumunuan ng itinalagang Punong Ministro

Comments

  1. Maganda at maayos ang pag kaka sulat ng panitakan. Maraming karunungan at impormasyon ang naka tala.

    ReplyDelete
  2. Maraming aral na naipahatid. Mahusay ang pagkakaayos ng mga impormasyon na maaring makatulong sa mag aaral

    ReplyDelete
  3. Ang ganda ng nilalaman ng blog mo!!! Mahusay!!!

    ReplyDelete
  4. Tunay na puno ng kaalaman ang iyong pinupunto. Mahusay at konektado sa mga detalye. Ito ay isa sa magandang paraan para matuto rin ang ibang mga mag aaral.

    ReplyDelete

Post a Comment