Posts

Panitikan ng bansang France

Isa sa mga malalayang bansa sa kanluran ng kontinente ng Europa ay ang France. Pangatlo ito sa pinakamalaking bansa sa Kanlurang Europe at European Union. Paris ang kapitolyo ng France na may pinakamalaking lungsod ng bansa at sentro ng kultura.Noong unang panahon, Rhineland ang naging katawagan sa bansang France.  Pagdating ng panahon ng Iron Age at Roman era ay tinawag naman ito bilang Gaul. Ang pangalang Pransiya ay hinango sa salitang Latin na Francia, na ang ibig sabihin ay "Lupain ng mga Prangko". Maraming mga teorya ang nagsasabi ng pinagmulan ng pangalan ng mga Prangko. Isa ang bansang France ang mayaman sa panitikan, katulad ng iba pang bansa sa Mediterranean. Ang mayamang panitikan ng bansa ang siyang nagsilbing kanlungan ng kanilang mga kaugalian tradisyon, at kultura sa kabuuan.Ang Pranses (Pranses: français; Ingles: French) ay isang wika na nagmula sa Pransiya. Noong 1999, ito ang wikang may ika-11 pinakamalaking bilang ng mga tagapagsalita sa buong daigdig. ...